HATERS

I’m not pro or anti P-Noy.

I’m not currently in the Philippines to see the progress that our President mentioned in his 3rd SONA.


I cannot assure to you nor show you evidences that he’s doing what he told.

No. I’m not.

But what I know is that I’m a Filipino. And whether I like it or not I will always be a Filipino.


Question is? Bakit kailangang mong kamuhian kung sino ka at kung ano ka at sisihin ang mga taong nasa panunungkulan. Our country is not in the good state right now. And I felt that there is always someone who wanted to help our country to be better, who wants our countrymen to be better people. Kaya’t minsan nalulungkot ako. Kabayan, kailangan po bang dumating pa tayo sa punto na kamumuhian at magsasalita tayo sa ating bansang Pilipinas ng mga bagay na ikasisira nito.

Sana sa tuwing sasabihin natin ang mga masasamang salita na ito, isipin natin na ang anuman ang gawin natin, this country, the Philippines, will still define who you really is. Anuman ang gawin mo, anuman ang sabihin mo, Pilipino ka pa rin.
Ngunit isa lang ang pinaniniwalaan ko. May isang tao na naghahangad at naluklok sa posisyon upang makamit nating mga Pilipino ang pagbabago. Ang tanong:

Handa ka bang tumulong?
Handa ka bang baguhin ang mga maling gawi at suportahan ang tama?
Handa ka bang makiisa?
O mananatili ka nalang bang kinamumuhihan at minumura ang sariling bansa at ang kapwa Pilipino mo?


Hindi ba’t mas madaling sambitin ang panalangin kaysa negatibong salita.
  Sana’y alam po natin na ang Pilipinas ay binubuo ng Presidente nito at ng mga sambayanang Pilipino. Huwag nating i-asa sa isang tao lamang ang kinabukasan natin, kung maaari namang maging kabahagi tayo nito.

Just a thought...

Comments

Popular Posts