Sana'y Malapit Na
Siyam na taon narin naman ang lumipas. Napakabilis ng panahon. Parang kahapon lang pilit akong kinukumbinsi ng aking nanay at kapatid na magpunta sa lugar na ito, kahit na buo ang aking loob na hindi ako kailanman magtutungo. Oo. Tama. Marahil noong mga panahong iyon wala akong sapat na dahilan para lumisan. Wala man akong trabaho ng mga panahong iyon, ako nama'y nabubuhay ng may kasapatan at nakakalikom ng perang magagamit sa pansarili dulot ng regalong galing sa Maykapal. Pero ano nga ba ang dahilan? Sa isang banda, naisip ko ang mga pagpapalang mayroon ako dulot ng aking paglisan. Asawa at mga anak na noon pa may dinadalangin na sa Maykapal. Mas napahalagahan ko ang aking pamilya magmula ng malayo sa kanila. Tunay ngang napakaraming oras na nasayang na ngayo'y pilit kong nais na punan. Pero paano? Minsan naisip ko na talagang napaka-igsi lamang ng oras. At sana mabigyan din ng pagkakataong makasama ang aming pamilya sa sariling bansa. Mamuhay na kasama n...